
Sa panibagong ugto ng aking pagsulat, Ito’y aking idadaan sa pamamagitan ng paglikha ng isang tula, Patungkol sa isang matalik na kaibigan ko, Upang ibahagi ang kaniyang mga karanasan at kuwento, Na tiyak inyong kagigiliwan at may aral na mapupulot dito.
Ating simulan sa pagpapakilala sa kaniya, Lea Sino ang buong pangalan niya, Sino? Sino nga ba si Lea? Tara ating alamin ang tungkol sa kaniya, Siya’y mas kilala sa tawag na tata o mamang Lea, Dalawangpu’t dalawa na daw s’ya. Totoo nga ba? Hahaha.. Nakatira at lumaki siya sa simple at masayang pamilya. Ang kanilang lugar ay Uma kung tawagin Na kung saan may maraming mga pananim, may preskong hangin, at masarap daw mag isip-isip ng taimtim. sila din ay may malapad na bukirin, may palayan, tubuhan, gulayan at sagingan. Diba, mapapa sana all ka na lang.

Siya’y palakaibigan, tawa dito, tawa doon, tawa kahit saan. Naalala ko tuloy noong siya ay minsang mapagalitan ng isa naming guro sa paaralan, sapagkat habang nag-uulat biglang ngumiti sa harapan hahaha… Para daw sa kaniya ang pagiging masaya ay nakakaganda, kaya lagi daw siyang masaya at tumatawa para makadagdag ganda, ang tanong ko na man sa kaniya, oh Lea saan po ang ebidensiya? hahaha.
Mahilig daw siyang magluto, sumayaw at kumanta, Sa pagluluto, itlog ang specialty niya, Sa pagkanta, sa banyo at kwarto daw nila laging may pa concert tuwing umaga. Basketball na man ang libangan niya, Sa katunayan varsity daw siya noong siya ay noong highschool pa. Pero secret lang daw na magaling siyang magshoot at magpaikot ng tao ay este ng bola hahaha.

Minsan gusto niya rin daw ang mapag-isa, mag isip-isip sa tuwing may problema at nababalisa, Sapagkat dito nakakapag relax siya. Straight forward daw siya kung magsalita, bawal plastikan, magpakatotoo para sa kaniya sapat na. Gustong-gusto rin niya ang panonood ng motor cross, motorcycle at race car, Kaya, balang araw gusto niya ring makabili ng sports car at maging superstar?.
Siya ngayon ay nag-aaral bilang BA Communication, Mahilig siyang magbahagi ng kaniyang opinyon at koklusyon,. Minsan din daw siyang nagkarelasyon, humarap sa pagsubok at hamon, nasaktan, iniwan, na stress, ngunit hindi na man daw umabot sa depresyon, Dahil hinarap niya ito ng positibo ang lahat ng mga sitwasyon, Na kasama ang mga mahal sa buhay na kaniyang mga inspirasyon.

Nais niyang maging isang inspirasyon sa mga kabataan, lalong-lalo na sa mga nagsisikap kahit mahirap ang takbo ng buhay, Magpatuloy na kamtin ang pangarap lakip ang pagsusumikap. Hanggang sa malasap ang inaasam na pangarap.
Photo Courtesy: from Lea Sino
~ForSchoolPurposesOnly #BACOMMunity #WeBreakNewsNotHearts
Please like and follow STILIFE https://www.facebook.com/stillife.sti?mibextid=ZbWKwL
Facebook Account https://www.facebook.com/jessie.cortezayungon?mibextid=ZbWKwL