Mr. & Ms. STI WNU 2022, Kilalanin!

Press Conference
November 12, 2022
10:30 am
at STI WNU.

Sumailalim sa isang press conference ang dalawang estudyanteng nagkamit ng titulo bilang Mr. & Ms. STI WNU 2022 na sina Blessie Joyce Jayme at Gian Lawrence Ulgasan. Ang nasabing press con. ay pinangunahan ng AB. Communication students. Sinagot ni Blessie at Gian ng buong puso at buong tapang ang mga tanong patungkol sa kanilang sariling buhay, mga karanasan sa kompitisyon at kanilang mga adhikain para sa paaralan.

Courtesy: Sir Adrian Prietos Bobe

November 04, 2022 isinagawa ang search for Mr. & Ms. STI West Negros University 2022 na nilahokan ng mga kandidato mula sa iba’t-ibang mga kurso ayon sa mga departamento na magiging pambato nito. Ngunit sa huli wagi ang pambato ng green titans na si Blessie Joyce Jayme, 2nd year AB communication student at ng pink vikings na si Gian Lawrence Ulgasan, 1st year BSHM student.

Si Blessie Joyce Jayme ay nakatira sa Brgy. Zone 5, Talisay City. May tatlong kapatid at siya ang panganay. Ang kaniyang pamilya ay may mga kaugnayan sa politika, pangunahin na ang kaniyang Lolo na si Hon. Leopoldo Jayme na dating kapitan ng kanilang Barangay.

Noong una, hindi lubos akalain ni Blessie na siya ang nagwagi bilang Ms. STI WNU 2022, dahil ayon sa kaniya isa siyang mahiyain na babae.

“Actually, I am very down to earth kind of a person, most people are observed and see me that I am very quiet naman, it is really new for me being a Ms. STI WNU because damo nga tawo nga gatulok sa’kon and talked behind my back. So, I bring these as challenge and inspiration and I carry sa’kon shoulder nga makaya ko what ever nga akon maencounter.” Ayon kay Blessie.

Dati pa lang ay natutuhan na ni Blessie ang tumulong sa kapuwa at magserbisyo sa komunidad. katunayan nito, dati na siyang naging youth leader sa iba’t-ibang organisasyon ngunit hindi niya naibanggit kung ano ang mga ito. Nagpaplano din si Blessie na tumakbo bilang SK Chairman sa kanilang Barangay. Dahil ayon sa kaniya gusto niyang magserbisyo sa mga kabataan bilang isang public servant at maging mabuting halimbawa.

Dagdag pa ni Blessie, “isa sa mga nagpanalo sa kaniya ay ang kaniyang pamilya at mga kamag-aral na hindi s’ya sinukuan at walang tigil na sa pagsuporta”. Kagaya ng kaniyang post sa sarili nitong fb account na nagpaabot ng pasasalamat.

Courtesy: Blessie’s fb post

Gian Lawrence Ulgasan, isang batang nangangarap na maging isang mahusay na chef sa barko. Kaya ang kursong kaniyang kinuha ay Bachelor of Science in Hospitality Management. Si Gian ay may isang kapatid, ang Ina ay isang housewife at ang Ama nito ay isang pastor sa kanilang relihiyon.

Kagaya ng Blessie, hindi rin kaalain ni Gian na siya ang nanalo at nakakuha ng titulo bilang Mr. STI WNU 2022, dahil ayon sa kaniya siya ay isang mahiyaing tao at first time niya umanong sumali sa malaking kompitisyon katulad ng search for Mr. and Ms. STI WNU 2022.

“Being a first timer joing in this competition and be crowned as Mr. STI WNU, everytime nga magkadto ko sa University, some students nagahambal nga ah s’ya ni gali si Mr. STI, that’s why proud man ko sa self ko and be humble man dyapon kapin pa sa ginahatag ni Lord sa aton” pahayag ni Gian.

Dagdag pa niya,”I want to build a leadership camp in school for students in building their potential and self confidence”.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Gian sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya tulad ng kaniyang mga kamag-aral, kaibigan, mga kabilang sa pink vikings, at pangunahin ang kaniyang pamilya.

Matapos naming makapanayam si Gian, bilang panghuli nag-iwan siya ng mensahe sa mga estudyante katulad n’ya na, “don’t be pressured” bagkus dapat daw i-enjoy ang buhay lalo na ang pagiging isang estudyante.

Blessie and Gian with 4th year AB communication students

Photo Courtesy: Sir Adrian Prietos Bobe

~For educational purposes only #WeBreakNewsNotHearts #BACOMMunity

2 thoughts on “Mr. & Ms. STI WNU 2022, Kilalanin!

Leave a reply to Jessie Ayungon Cancel reply

Design a site like this with WordPress.com
Get started