Blue Guardians, positibong inaasam ang muling pagka-panalo

Matapos ang dalawang taong pagkatigil ng paligsahan ng Parade of lights at pagsayaw dulot ng pandemya, ang STI West Negros University ay muling magkakaroon ng nasabing aktibidad ng Unibersidad upang muling ipamalas ang husay, talento at pagiging malikhain ng mga STIers. Ang naturang paligsahan ay binubuo ng mga kalahok mula sa iba’t-ibang departamento. Isa na dito ang Blue Guardians na binubuo ng kursong education.

Aming nakapanayam sa isang face-to-face interview, Sina Tricia Agregado, Team Captain at Rachelle Kaye Tarre, Governor ng blue guardians. Ayon sa kanila, pinaghahandang mabuti ng blue guardians ang paparating na aktibidad ng paaralan. Nagsagawa sila ng mga pagpupulong online at face to face para mag brainstorm, hingin ang opinion, suggestions at ideya ng bawat membro ng kanilang team. Sumailalim din ang mga kalahok sa auditions upang ipakita ang kanilang kakayahan at katatagan para mag-rerepresenta ng kanilang team.

Bilang pasilip sa kanilang paghahanda, ang tema at konsepto umano ng kanilang mga costumes, props, at sayaw ay patungkol at nakabatay sa kanilang kulay na “blue guardians”, maging sinangkapan ng twist at pagkakaisa.

Rachelle Kaye Tarre Blue Guardians Governor

Ayon kay Rachelle, asahan daw ang mas pinagandang performance ng blue guardians dahil ginawa daw nila ang kanilang best na mas maging best pa.

Tricia Agregado Blue Guardians Captain

Dagdag na man ni Tricia, muling papatunayan daw ng blue guardians na sila ay walang kupas at handang kamtin muli ang kampyonato.

Sinubok din ang katatagan ng blue guardians, nagdanas umano sila ng matinding pagod, puyat, at maging ng kakulangan sa budget, ngunit hindi daw sila nagpahadlang doon bagkus lalo silang nagtulungan sa isa’t-isa at naging matatag bilang isang koponan.

“The feelings never blue”, ito ang malinaw na pagpapaliwanag ng blue guardians. Hindi sa lahat ng oras ay panalo, ngunit titiyakin at gagawin daw nila ang buo nilang makakaya upang sila muli ang mag wawagi.

Blue Guardians Achievements

“Homes of achievers and champions” ito na man ang tagline ng kanilang koponan na walang salita upang ipaliwanag, bagkus sapat ang kanilang mga tropeo at mga narating bilang patunay na sila ang home of achievers and champions.

Nag-iwan din ng mensahe sina Tricia at Rachelle para sa lahat ng blue guardians at sa lahat ng kalahok sa nalalapit paligsahan ng paaralan.

“Kahit pagod at puyat ang karamihan, dapat ay magpatuloy dahil ito ay hindi lamang tagumpay ng isa o ng mga nangunguna, kundi tagumpay nating lahat. Ito rin ay another achievements and another fulfillment”. Ayon kay Tricia.

“Bilang Governor ng blue guardians, ang pangunana ay isang magandang karanasan at narito kami upang lagi kayong pangunahan. Sa lahat ng dancers, ka-team, mga officers, lahat ng ating sakripisyo, pagod at puyat ay magbubunga ng magandang karanasan, karanasan na kailanman hindi natin malilimutan at hinding-hindi mapapalitan ng sino man at ng anomang bagay. Mensahe ni Rachelle.

Isasagawa ang aktibidad ng Unibersidad sa araw ng linggo, Desyembre 04, 2022. na magsisimula sa ganap ika-4 ng hapon para simulan ang opening at parade of lights.

~For School Purposes Only #WeBreakNewsNotHearts #BACOMMunity

Please like and follow STILIFE https://www.facebook.com/stillife.sti?mibextid=ZbWKwL

Facebook Account https://www.facebook.com/jessie.cortezayungon?mibextid=ZbWKwL

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started