“ANG TUNAY NA DIWA NG PASKO”

Ang taunang pagdiriwang ng pasko sa Barangay Binubuhan, Bago City.

Photo Courtesy: Hon. Leah Clarito Eriman

Nakagawian na ng mga residente sa Purok Sampaguita, Barangay Binubuhan ang paligsahang “Inter-zone Christmas tree and zone facade competition”,

Dalawang taon ding natigil ang ganitong paligsahan sa Brgy. Binubuhan dulot ng pandemyang kinahaharap ng buong mundo mapasahanggang kasalukuyan. Kaya, matapos ianunsyo ni Brgy. Captain Remy B. Jalea, Kapitan ng Barangay Binubuhan, kagalakan ang nadama ng mga residente at excited din daw silang ibahagi ang kanilang mga talento sa paggawa ng mga Christmas lantern, Christmas tree, Zone facade at iba pa.

Nahahati sa limang Zone sa Purok Sampaguita ang ganitong paligsahan na mga lumahok, Zone 1,2,3,4, at 5.

Pahayag ni Hon. Leah Clarito Eriman, kagawad sa Brgy. Binubuhan at in-charge sa ganitong kompitisyon. ” Lubos daw na pinaghandaang mabuti ng bawat zone ang ganitong paligsahan, hindi lamang upang ibida o ipamalas ang talento at galing gamit ang iba’t-ibang mga recyclable materials na makikita sa paligid na hindi na ginagamit ngunit ito ay mapapakinabangan pa sa ibang paraan, gayondin upang ipadama daw ang tunay na diwa ng pasko, sapamamagitan ng pagtutulungan at magandang samahan ng bawat isa”.

Disyembre 01, 2023, sinimulan ng bawat zone ang pagdisyenyo at pagpapaganda ng kanilang mga entry.

Narito ang iba’t-ibang entry ng bawat zone.

Zone 1 Entry                                                  Gawa sa plastic containers, plastic bottles at iba pa.
Zone 2 Entry                                                   Made of plastic cups and plastic bottles
Zone 3 Entry                                                    Gawa sa plastic spoons and forks
Zone 4 Entry                                          Partikular na ginamitan ng mga plastic straws ng soft drinks at plastic bottles.
Zone 5 Entry                                          Panguhing ginamitan ng plastic cups at pinalamutian ng iba’t-ibang mga kulay upang mabuo ang kanilang christmas tree.

Ayon kay Razel Vesida, residente. “lubos daw s’yang nagalak sapagkat muling naibalik ang ganitong paligsahan sa kanilang barangay at lubos rin ang kanilang pasasalamat sa mga Brgy. Officials sa pagsuporta at pagmamalasakit sa mga residente sapagkat may ganitong kasiyahan na naipapakita ang pagtutulungan, pagmamahalan, at kasiyahan sa gitna man ng kahirapan, kaguluhan at sa banta ng malaganap na sakit, sapagkat ano man daw ang hamon sa buhay kayang-kayang lampasan sa pamamagitan ng pagdadamayan sa isa’t-isa na ito ang tunay na diwa ng kapaskuhan”.

Tunay ngang “Love is us this Christmas”

Kung ako ang tatanungin kung ano ang tunay na diwa ng pasko, para sa akin ito ay dapat alalahanin hindi lamang sa kung anong araw at buwan na itinakda ng tao, bagkus ito ay dapat alalahanin din sa bawat araw ng ating buhay na sa tuwina lagi tayong nakakapagpatuloy sa takbo ng mundo sa tulong ng may lalang sa atin at sa kung paano tayo gumayak at gumawa ng mabuti sa ating kapuwa.

Disyembre 28, 2022 isinagawa ang awarding ceremony sa Brgy. Binubuhan plaza na pinangunahan ng kanilang Brgy. Captain, mga kagawad kasama ang mga nasa sangguniang kabataan.

Mga nagwagi: 

Zone 2 – Winner

Zone 1: 1st Place

Zone 3: 2nd Place

Zone 3: Consolation Price

Zone 4: Consolation Price

For School Purposes Only                               #WeBreakNewsNotHearts                                 #BACOMMunity

Please like and follow STILIFE https://www.facebook.com/stillife.sti?mibextid=ZbWKwL

Facebook Account                                                          https://www.facebook.com/jessie.cortezayungon?mibextid=ZbWKwL

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started